Official Lyric Video for "Enough"
Stream everywhere:
Spotify →
Apple Music →
Music Produced by: Sawndass Music
Performed by: Kath,
& Thome
Beat Produced by: John "J-Lhutz" Hesarza
Mixed & Mastered by: Nico Palma
Recorded at: Por Vida Records
Arranged by: Thome
FOLLOW SAWNDASS MUSIC:
Youtube: @sawndassmusic
Facebook:
Instagram: sawndassmusicofficial
LYRICS:
Kung walang patutunguhan
'La ring pupuntahan
Paulit-ulit nangungusap, ba't 'di matuldukan?
Kaya bahala ka, kasawa na
Pagod na rin ako na unawain ka
Mga sugat sa damdamin nating dalawa ay lalong lumalalim lang
Kaya bahala ka, paawat na
Pa'no manunumbalik kung may lamat na?
Ba't 'di na lang tumigil at itigil, eh kung tama ka 'di tama na
Ba't 'di na lang natin itigil? Mga usapang hindi rin naman
Makakatulong sa 'tin, ano 'mang pilit mo diyan
Lalo mo lang 'tong pinalalala
'Di na malaman kung sa'n magsisimula
Kasi paulit-ulit na lang 'tong nauuwi
Sa sumbatan, awayan natin, 'kaw lang nagwawagi
Ako laging may mali
Oo, bawal humindi
Pasalamat ka mahal kita kaya iniintindi
Pero kasawa na
'Di ka ba nangangamba?
Nahihirapan din ako at tao lang ding nasasaktan
Kung tama ka, napakadaya mo naman, kaya
Kung walang patutunguhan
'La ring pupuntahan (Wala, wala, wala)
Paulit-ulit nangungusap, ba't 'di matuldukan?
(Ba't 'di matuldukan?)
Kaya bahala ka, kasawa na
Pagod na rin ako na unawain ka
Mga sugat sa damdamin nating dalawa ay lalong lumalalim lang
Kaya bahala ka, paawat na
Pa'no manunumbalik kung may lamat na?
Ba't 'di na lang tumigil at itigil, eh kung tama ka 'di tama na
Ngayon ay susundin ko muna aking sarili
Pagod na 'kong umintindi dahil lagi na lang
Dumarami na mga dahilan
Upang lumayo sayo
Hindi na tayo tulad noon
Wala ng oras para mag orasyon
Tutal palagi ka na tama
Ta's 'yung hinala ko ay tama
Ohh, eh 'di tama na
Dahil 'di na rin ako sabik, yeah
Sanay na 'kong hindi ka namimiss, yeah
Ilang taon na rin na nagtiis eh, 'di mo masisisi
Kung ba't 'di na 'ko kumapit dahil
Kung walang patutunguhan
'La ring pupuntahan (Dahil para sa'n pa?)
Paulit-ulit nangungusap, ba't 'di matuldukan?
Kaya bahala ka, kasawa na
Pagod na rin ako na unawain ka
Mga sugat sa damdamin nating dalawa ay lalong lumalalim lang
Kaya bahala ka, paawat na
Pa'no manunumbalik kung may lamat na?
Ba't 'di na lang tumigil at itigil, eh kung tama ka 'di tama na
Palayain ang isa't isa
Kung tama ka, eh 'di tama na